Thu, 28 May 2020

Tagalog News: 'Border' ng Caraga sarado na dahil sa COVID-19

Philippine Information Agency
04 Apr 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 4 (PIA) -- Upang mas tiyak na maprotektahan ang mga Caraganons sa banta na dala ng COVID-19 mula sa mga lugar kung saan nagpositibo ito, napagkasunduan ng regional task force on COVID-19 o One Caraga Shield na ipasara na ang mga daanan at mga boundaries na papasok sa rehiyon. Ito ay basi sa ginawang resolusyon na pinasa ng task force na pinamumunoan ni Gobernador Dale B. Corvera ng probinsya ng Agusan del Norte.

Ayon kay Gob. Corvera, sarado na ang lahat ng entry points sa rehiyon, maging ang tubig (sea), himpapawid (air) at sa lupa (land) entry points na kung saan ay pwedeng makapasok ang galing sa ibang lugar.

Bumuo na din ng tatlong task force upang mas matutukan ang papasok sa rehiyon; ang task force land ay tututok sa barangay Tagcatong ng Carmen, Agusan del Norte; sitio Maitum, Langkilaan at barangay Sisimon ng Veruela ng Agusan del Sur; at ang barangay San Roque, Linging ng Surigao del Sur. Samantala, ang task force water ay tututokan din ang entry points ng Nasipit International Port ng Agusan del Norte; Eva M. Macapagal Passenger Terminal at Lipata Ferry Terminal ng Surigao City; Dapa Port ng Surigao del Norte; at Port of San Jose ng Dinagat Islands, habang ang task force air ay nakatutok din sa Bancasi Airport ng Butuan City; Surigao Airport ng Surigao City; Tandag City Airport ng Surigao del Sur at ang Sayak Airport ng del Carmen, Surigao del Norte.

Dagdag pa ni Gob. Corvera, ang nasabing measures ay isang paraan upang masiguro na walang makapasok sa rehiyon na hindi malalaman ng mga otoridad.

Sa ngayon ang buong rehiyon ay nagpapatupad ng community quarantine pero strikto ang pagpapatupad at pagmomonitor ng mga checkpoinst maging sa mga barangays.

Pabor naman si Nestor Betonio ng Butuan City sa ginawang pagsasara ng mga daang papasok ng Caraga upang mas segurong ligtas sa COVID-19 ang mga Caraganons. Gayundin si Junrie Curalde, isang tricycle driver dahil sa ganitong paraan tiyak daw ang kaligtasan ng lahat.

Sa ngayon, negatibo pa rin ang rehiyon sa COVID-19. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

More San Francisco News

Access More

Sign up for San Francisco News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!